Eye.Speak.

Child’s Play

Posted in It's a Bitch's World by cruela de vil on May 27, 2011

Disclaimer: Blog ito. Personal na blog. Lahat ng nilalaman neto ay hindi kathang-isip. Ito ay obserbasyon lamang at analysis. Mindfart. Wala naman akong binabanggit na pangalan dito. Ang tamaan, sige lang tamaan ka lang; guilty ka e.

Kamakailan lang, napahamak ako ng pagiging observant ko at iyon narin marahil ang dahilan kung bakit bigla-bigla kong pinaltan ang wordpress address ko. BTW, hindi na po babalik ang It’s a small world dahil ang domain na ginamit ko dun, mariaespievidal.wordpress.com, ay ipinarehistro ko na bilang isang DotCom.  Subalit, ang mariaespievidal.com ay isa nang separate blogsite na magsisilbing portfolio ko bilang isang professional SEO/webcontent writer.

Sa kasamaang palad din, may nagmamay-ari na ng itsasmallworld.wordpress.com. Masaklap mang isipin, pero kailangan kong ireformat ang free blogsite ko. At siguro, maganda naring move ito para maging mas pribado ang blog kong to.

Mabalik tayo sa kwento…

So kamakailan lang napahamak ako ng pagiging observant at taklesa ko sa aking blog. May tinamaan sa huling blog post ko, It’s a Bitch’s World: Mean Girl Syndrome. Sabi nila, low blow daw yon. Pero wala naman akong nakita mali doon. E yon talaga writing style ko. Kung magbaback track ka, maiisip mo talagang ganoon ako magsulat. Kunwari mala-Mike Enriquez o Tulfo Brothers na hindi natatakot kung sino ang makabangga.

Pero, hindi kasi ako nagrereact kung alam kong walang mali. Aaminin ko, noong highschool at college ako, lahat nalang pinupuna ko. HATER kumbaga. Galit ako sa mundo dahil broken hearted ako. Galit ako sa mundo dahil hindi na ako highschool at hindi na ako popular. Galit ako dahil takot ako mag-isa at ang simpatya ng ibang tao ang nagiging lakas ko upang lumaban.

Pero tumanda na kasi ako.

Ayoko na magalit ng walang dahilan. O pumuna ng mga bagay na hindi ko naman dapat pinapakielaman. Ang akin nalang, tanging prinsipyo ko nalang siguro, magrereact ako kapag may napansin akong mali. Ika nga ni Mo Twister, “I don’t want these people living in my society. I don’t want you to be messing with my society.” Ayoko ng bad vibes sa paligid ko. Masyado na akong maraming problema para magdeal with bad vibes.

Kaso ang nangyari kasi doon sa huli kong blogpost, naging mitsa sya ng isang faction. Nagkaroon ng dibisyon. Pinag-away ako at yung isang…uhm.. acquaintance ko ng kung sinong hudas barabas na nakabasa ng post ko. Isa nalang ang nasabi ko, “Tanga yung nagbasa.”

Ako bilang writer

Ang naging inspirasyon ko upang maging writer ay si Bob Ong. Obvious bang hindi talaga ako mahilig magbasa? Aminado naman ako roon. Masyadong maiksi ang attention span ko. Kaya kung ako naenganyo sa unang sentence palang, hindi ko babasahin yan.

Sarcastic si Bob Ong. Sarcasm plus satire. Namangha ako kung papaano nya gamitin ang modernong lengwahe ng hindi nagtutunog “kanto”. Nandoon parin ang dunong sa bawat salitang kanyang binibitawan. Kaya naman ako si “gaya”. At eventually, nagkaroon ako ng writing style ko.

Ako bilang taong matigas

Strong ako. Yan ang sabi ng mga nagiging boyfriend ko. Minsan sa sobrang strong ko, nagiging dominante ako. Bakit ganon? Bakit hindi ako matibag?

Ganito kasi yon.

Only child ako. Lumaki ako sa San Juan at malayo sa mga kamag-anak ko. Ang mga kamag-anak ko ay nasa Paranaque at ang iba naman ay nasa Batangas. At ang lalayo pa ng agwat ng edad naming. Kaya tuwing bumibisita sila or nag-dodorm sila sa’min, hindi ko masabayan ang trip nila. Ang gusto ko ay cartoons. Ang gusto nila ay Mara Clara, Marimar, TGIF, at GIMIK.

Hindi rin naman ako pinapayagang lumabas ng mama ko. Again, only child ako na nakatira sa makitid na barangay ng Rivera. Andaming adik. Nasa labasan kami. At nasa kaliwang gilid namin ang estero papasok sa pugad ng mga adik (Looban). Sa murang isip, natuklasan ko na agad na mas mataas ang estado ng pamumuhay naming kaysa sa mga kapitbahay namin. At dahil nga noong unang panahon, pag sinabing isang anak lang, matic na impression agad na mayaman kami. Thus, umaasta lang ako sa naaayong ganda. Dagdag mo na rin yung only child nga ako, walang kapatid, di marunong makitungo sa ibang bata.

At dahil lumaki akong mag-isa, nag-iisang bata sa loob ng bahay, nag-iisang bata sa buong angkan, naisip kong dapat matuto akong ipagtanggol ang sarili ko. Lalo na’t hilig akong pagtripan ng mga pinsan ko noon. Pinapaiyak at inaagawan ng laruan. Alam kong normal sa mga bata ang ginaganito. Pero, iba ang naging impression neto sa akin.

Dibisyon at faction

So eto na nga’t mabalik tayo sa faction. Hindi ko maintindihan kung bakit iwas na iwas parin sakin si acquaintance matapos naming mag-usap at magkalinawan. OO. Nagkaroon na ng kumprontasyon. Ngunit sadya talagang action speaks louder than words. Sa ginagawa nila ngayon, navoid lahat ng sinabi ni acquaintance. Matatanda na kami. Ngunit kung umasal pa sila ay parang mga bata.

Eto na kasi nangyayari ngayon:

  1. Nagkaroon ng kampihan. Sabi ni acquaintance, hindi namin dapat isipin ni friend ko na nagkaroon ng kampihan dahil childish daw yon. Well, action speaks louder than words diba?
  2. Nag-iiwasan. Ni hi ni ho, wala. Kapag nagkasalubong, akala mo taga ibang building yung nakasalubong. Akala mo dati hindi naging chatmates at kung anu-ano. At eto pa, noong nagkaroon ng bagong sitting arrangements, dali-dali silang lumayo sa’min ng friend ko. Na para bang me ketong kami. Echoserang palaka.
  3. Nag-iiripan. Well, hindi ko nasaksihan to. Pero sabi ng friend ko may nang-iirap daw sa kanya. Takot lang nila sakin try nila ko irapan. Baka dukutin ko pa mata nila.
  4. Walang direct communication. Pag may tanong, email nalang. Or sa iba ipapadaan.
  5. Malamang may backstabbang nangyayari. Syempre, pabulong na sila mag-usap, so malamang may backstabbang nangyayari. No ba yen.

Bilang isang 22 turning 23 year old working woman, this is not a behavior suitable for such an environment. C’mon. Wala na tayo sa highschool para mag-iwasan dahil ang liit ng mundo natin. Ang masaklap pa roon, pwede naman umarte tayo ayon sa edad natin diba? Alam na natin ang tama at mali. Hindi natin kailangan maattach sa pagwawala ng estrogen natin.

At shet mag-iingles na ako ha. It’s not that I am gravely affected with what’s happening. It is just that these people are annoying me. Again, I don’t want this kind of people living and breathing in my society. Bad vibes e.

It’s as if they’re trying to be “cool” but can’t. I’ve done my part. I’ve apologized and hugged my acquaintance to make her feel my sincerity. But if that’s not enough, I don’t know what to do anymore. I don’t want to serenade and court them to be my friend. I can live with a few peers. I don’t need more people in my life only to find that they’re not real. If someone does not want to be my friend, they can get the hell out of my life and out of my sight. The problem is the situation does not allow them or me to turn away. Curses.

Sa mga nangyayari talaga ngayon, may I say that I AM STANDING MY GROUND. These people have some serious self-confidence and life issues. They’re the ones who’s starting all the “hating”. They just don’t want to admit it. We were fine until they came along. Their pessimism has brought bad vibes in this place.

Again, the question remains: WHY HATE? Nakakapagod maging hater. Hindi nakakatuwa na konting kibot lang nagagalit kana jezz becozz. If you’ve got a problem, well, who doesn’t? Everybody’s got a problem. You can’t be a human being and not have problems. Nobody in our group is born with a golden spoon in his/her mouth. We’re all living the average, middle class life. Kung may pamilya kayong binubuhay, de puta, ako rin. Baon kami sa utang. We’re about to lose a fucking house we’ve own since forever. My dad is sick with diabetes. My mom has nerbyos. I’m a fucking only child. Who will I turn to? Pero I still manage to suck it up and not bring my problems at home dito. Baket? Kasi ayoko isipin ang problema, gagawan ko nalang ng solusyon hanggat kaya. As much as possible, I want good vibes nalang sa paligid ko para hindi ako mastress. Kasi pag nastress ako, may suicidal tendencies ako. I can get so depressed I’d think of ending my own life.

At hindi rin productive ang may kaaway ka or may iniiwasan ka. Kung nakapag-aral ka at nagsink in sayo ang inaral mo, malalaman mong hindi ugali ng isang professional ang umiwas sa isang taong alam mong makakasama mo for a long time. Kung professional ka, kahit anong asar mo sa taong un, kahit anong ayaw mo sa taong yon, hindi mo siya gagawing outcast. Instead, itratrato mo parin siyang normal.

Oo, time heals all wounds. Pero para magtagal ng isang bwan ang drama nila, without even hearing the same apology as I’ve given, nako, bye bye nalang.

Now tell me nga kung mali yung mga sinulat ko sa It’s a Bitch’s World: Mean girl syndrome. Hindi ba’t napaka-immature netong ginagawa nyo?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: