Eye.Speak.

Birthday

Posted in Kwentuhan lang by cruela de vil on September 13, 2011

“Problema. Yan lang naman ang tingin mo sakin diba? Isang malaking problema!”

“Ano bang pinagsasasabi mo dyan Carl?”

“Totoo naman e! Simula ng makilala mo yang si Alex, wala ka nang ibang nakitang tama kundi si Alex! Alex dito, Alex doon. Sino ba talaga syota mo saming dalawa? O parehas mo kaming kinakantok sa kama?!?!”

. . .

“Ano dyan ka magaling! Manampal! Umiyak! Palabasing kinakawawa ka! Janelle, sa 7 taon nating mag-on, tiniis kong maging martir! Pag nag-aaway tayo, hinahayaan kita maging tama kahit sobrang mali ka! Pero ngayon. . . “

“Ngayon, ano? Tama ka? Wala naman talagang namamagitan samin ni Alex! Tropa ko lang sya!”

“Tropa?  May tropa bang nagmomoling ng sila lang dalawa? Meron bang magbarkadang hindi makapagbitaw ng telepono kahit dis-oras na ng gabi? Punyetang magtropa yan!”

. . .

“Tangina, san ka pupunta?”

“Janelle!”

. . .

“Ayoko na Carl..”

 “Janelle! Janelle! Teka hoy!”

. . .

. . .

“Janelle, patawarin mo ako kung pinaghusgahan kita kahapon. Nagsasabi ka pala ng totoo. Ngayon malinaw na sakin ang lahat. Nakausap ko si Alex. Sinabi nya sakin ang lahat. Janelle, sorry nagalit ako sa’yo nung nagmall kayo ni Alex. Hindi ko alam na mayroon kang surprise party para sakin sa birthday ko. Nakuha ko na rin yung Rolex na binili mo. Ang ganda nya Janelle. Susuutin ko lagi ‘to. Hindi ko to huhubarin.”

. . .

“Janelle..”

“Janelle, sorry…”

“Janelle.. Janelle gumising ka naman Janelle..”

“Wag mo akong iwan ng ganito.”

“Hindi… Hindi ko sinasadya..”

“Sabi sayo teka lang e diba? Sabi ko.. wag kang tumawid. Sabi ko pumirme ka lang..”

“Janelle..”

“Please…”

“Gising ka naman..”

….

beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep.

——————–

“J….ja…janelle…”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: