Eye.Speak.

Behind brown eyes.

1.4.11

Sa ikinatagal-tagal ng blog site ko sa wordpress, hindi ko parin nagagawan ng magandang description ang About Me page ko.

So, About me…sino nga ba ang tao sa likod ng mga storya, tula, pambabara, at kung anu-ano pa sa weblog na ‘to? Sino nga ba ako?

Simulan natin sa isang maigsing introduksyon. Basic lang muna ika nga nila.

Edad: 22 Years Old [2011]

Kasarian: VAKLA.

Kurso: AB Journalism

Trabaho: Full time writer, part time bokalista, full time artista

Musika ang unang pag-ibig ko. At ang mga letra na siguro ang pangalawa. Hindi ko ata kaya ang isang araw ng pananahimik lamang sa kwarto at manood ng TV. Naging sistema ko na na habang ako’y nagsusulat, binibingi ako ng distorted guitar riffs sabay higop sa pinalamig na mainit na kape.

Si Espie. O si Marya. Sabi nila maangas ako. Siguro dahil ako’y bansot. Oo, maliit lang ako pero kung pumutak ng letra ay daig pa ang nakamegaphone. Wala akong pakielam at mas lalong trip ko kung hindi ako pakikielaman. Ngunit, subalit, datapwat, sa likod ng  “steely” exterior ko ay isang malambot na puso na nagnanais lang maging astig sa paningin ng iba. Sa blog na ito, ibinuhos ko ang galit, pagmamahal, kilig, opinyon, kalokohan, creativity, sabaw, kaemohan, at kung anu-ano pang drama na biglang sumusulpot sa bolang kristal kong utak. Spontaneous lang.

Ako na marahil ang taong mapagmahal sa emosyon. Kung ako’y galit, galit ako; at inilalabas ko yon sa blog ko. Kung in love ako, makikita mo ang FB wall kong tadtad ng love song. Kung emo, makikita mong puro The Used, Mayday Parade, Matchbook Romance at Secondhand Serenade ang playlist ko. Mahal ko ang emosyon. Dito ko kasi hinuhugot ang mga sinusulat ko.

Totoo ring tamad ako magbasa. Yon nga marahil ang dahilan bakit nagdududa ako sa kakayahan kong magsulat. Sinabi ko lang naman na writer ako dahil ang course ko ay Journ. At isa ring pagkakamali iyon. Dapat talaga ay HRM ang ilalagay ko sa exam. Ngunit sa kabangagan, nailagay ko Journ. O siya andyan na, PAYN. Sobrang tamad ako magbasa. [Kaya kung may blog ka rin gaya ko, asahan mong i-like ko lang yan ng di ko binabasa.] Dapat maenganyo na ako ng writer sa unang paragraph palang. Kung hindi, wala deads, next page please. Yabang no?

Di ko naman din hangad na basahin ng mga tao ang blog ko. Para sakin, tambakan ko lamang ito ng unti-unting nauubos na creative juices ko. Mahirap kasi maging only child, wala kang masabihan ng mga problema mo. Nandyan ang tropa, oo naman, pero iba parin yung mayroon kang tapunan ng kung ano nalang ang nasa utak mo na nakakapagod pakinggan. Kahit ako napapagod akong makinig sa hinaing ng utak ko.. at siguro yun narin ang nag-udyok sa akin upang ipagpatuloy ang kursong Journalismo.

Ako si Maria Espie. Espie. Es. Marya. Pi. Bokalista. Manunulat. Bansot. Cute. Maputi. Masunget. Kung ano man ang impresyon mo sa kin, bahala ka trip mo yan. At walang basagan. Sana ay mag-enjoy ka sa blogsite ko na walang specific theme. Huwag kang mag-alala, di naman lahat yan ay tae lamang ng utak kong busog. Minsan trip ko ring sumulat ng kwentong babago sa buhay mo. :]

2 Responses

Subscribe to comments with RSS.

  1. Nortehanon said, on January 4, 2011 at 1:44 am

    This is a fun read, kakatuwang basahin na introduction. Hello at kaway-kaway sa isang fellow Journ grad 🙂

    Happy New Year!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: