Eye.Speak.

She Loves Me, She Loves Me Not? I Just Died Saying I Love You Today

Posted in diary files, She Loves Me She Loves Me Not. by cruela de vil on December 11, 2009

I think I just died saying I like you today. Ooops. parang sablay. Yung Title ng blog sabi I love you pero ang sabi ko I like you?

Kung nung una pasweetums pa ang blog series na ito, medyo darker na itong entry na ito. I guess dito na lalabas ang pagiging creative writer ko.

How to begin this. maybe I  should write a letter? Para akong nakikipagbreak up ah. No words are coming out of my mouth.

At bakit ko naman susulatan ang isang taong hindi naman niya alam na gusto ko nga siya?

Sana may mas okey na paraan ng pagtotorture ng tao. Titiisin ko pa ung itali ako sa poste ng hantik at palapain ako sa ants. o kaya patakan ng tubig sa noo ng 2 days. o kaya manuod ng manny pacquiao films. Kaso mukhang nakahanap s kupido ng mas mabisang panorture sakin…sa katauhan ni Maria Obama.

Bakit nga ba trip na trip niyang paglaruan ang damdamin ko? alam kya nya na gusto ko rin yung taong mahal niya? Di ko naman pinopormahan yung tao ah. At hindi na rin naman ako umaasa na magkakagusto pa siya sa akin. Normal na ang agos ng dagat. payapa na ang ulap. Wala na ang bagyo. Hindi na agresibo ang hangin. Okey na. May relief goods ba?

Selos man tawagin o hindi, iniyakan ko ang kupidong pumana sa puso kong hayok. Masakit na siya. Di ko alam anong pumasok sa tear ducts ko pero tumulong kusa ang luhang pinipigilan kong lumabas.

Magaling nga talagang mantorture itong si MAria Obama. Sagad gang buto lampas pa. Sinasampal niya sa mukha kong kanyang kanya na siya. O siya iyo na. Okey lang sa akin kasi like ko lang naman yung nilalang. Kaso ang kaso ay parang hindi yata epektib ang denial epek ko.

Wala na kong mefenamic acid. Here comes the pain. Here comes the tears. Okey. Okey. O sya. Siguro nga I like like the dude. (kasi hindi pwedeng magmahal ng ganoon kabilis no, di ko sya boyfriend).

To Maria Obama, okey you’ve won. Do me a favor and stop the torture. I didn’t mean to interrupt your love story with my whining. I just needed comfort and I didn’t expect for cupid to come rescuing me. I really liked the guy the first day we’ve met. Feelings were ignored until now. I know the feeling is not mutual for him. And though I’d die to make him mine someday. I wouldn’t because his heart belongs to you. So please stop the torture. Stop it. stop. stop. I would not fight for a dude especially when there’s no commitment. Di pinag-aawayan ang lalaki. lalaki lang yan.

Advertisements

She Loves Me, She Loves Me Not? Ubos na ang petals ng rosas kong lanta

Posted in diary files, She Loves Me She Loves Me Not. by cruela de vil on December 8, 2009

Wala. wala akong nasabi kundi “ah okey fine whatsoever. pak u.”

E talaga naman palang nakakapak-u ang ugali nitong si Maria Obama. Kung baga sa ingles, adding insult to injury. Foul na foul ka na brad. Isa nalang masasapak na kita.

Kesyo naging lenient ako o hindi, o martir ako o manhid, hindi ko pwedeng palampasin si Maria Obama.

Sa palagay ko sigurista ang lola mo. Naninigurado. Ano ba sisiguraduhin mo wala namang pinaglalabanan? Ang score e 100-1. O di pa ba obvious sino ang lamang? Hindi na nga ako naligo kahapon at nung isang araw. Sineselyohan mo pa ba ang winning streak mo? Tukneneng naman.

SA BALUT SA RECTO, TANGGAL ANG HIGHBLOOD MO

Nakakahighblood yung tipong laging idinadausdos sa mukha mong hindi mo nakamit ang inaasam. Hindi mo na nga naabot ang langit, pinapamukha pang loser ka. Hindi mo na nga naabutan last full show, kukwentuhan ka pa. Hindi ka na nga umabot sa gospel, magtitisktsk pa. Wag ka, me chuwariwap pang manggagatong. Aba-aba kelan ka pa naging bon fire? Bakit daming panggatong?

Baka siya na mismo ang gatong. Sus Maria Obama.

Laking yabang ng ilan na ipamukha ang fluency nila sa wikang banyaga. THEY SAID THEY ARE FAR MORE INTELLECTUAL THAN THOSE WHO SPEAK IN FILIPINO, WHICH IS OUR NATIVE TONGUE BY THE WAY, BECAUSE THEY SOUND MORE “ACADEMIC”.

Oo nga naman, may Math bang tinuturo ng tagalog? Pusang siopao. Mahirap yatang tagalugin ang logarithm at square root at formula para sa Cartesian plane. Mahirap ata tagalugin ang infinity.

Hala so ganitong equation

[(x+y)²/(x2y-z)³]∞

ganito ang basa: eks dagdagan ng way sa ikalawang kapangyarihan, hatiin sa eks dalawang way sa ikatlong kapangyarihan, paramihin ng walang hanggan.

joke time yata yan pare. hindi ako papasok sa klase para mag-aral kundi para tumawa.

Nakakatawa ang ilan na mahilig dumaldal para magtunog madunong. Pero mas nakakatawa ang ilan na nag-iingles para masabing madunong. Nagmamataas sila pakiramdam ay maharlika na sila kasi nga fluent sila sa ingles. Bakit naman ang mga Hapon, nakaimbento ng robot, di naman nag-iingles. O bakit si Socrates, halos maospital ako sa loss of blood kakabasa ng readings sa Philosophy, pero Greek ang lengwahe niya?

Ganito si Maria Obama. Pakiramdam niya diyosa siya ng kadunungan. Pero dedma lang ako diyan. Lahat naman ng tao may kanya-kanyang alam. Di mo naman pwede malaman ng isang buga ang lahat ng kakomplikahan ng mundo diba.

So mabalik tayo sa pinag-aamok ng butsi ko. Bakit may ibang taong sineselyuhan ang kanilang karapatan sa isang bagay na hindi naman nila pag-aare? Sa kesyo mas malapit sa kanya ang bagay kanya naba? O kaya nasa boundary niya kanya na ba? O dikya kasi nga kakulay niya, so kanya na? Galing kahit walang label pag-aari na!

Hindi naman ako galit. Ayoko lang ng gasera (panggatong). Alam na nga na no hope, eto’t nagtatambak pa ng sama ng loob. Tss.. you sure pare gusto mo yung ganyan?

Ay ewan. masyado tayong seryoso sa buhay e. Di ako mahilig sa ganyang labanan. E di naman ako nakikipaglaban e. Lalo pag lalaki lang ang basehan. Nakow. Daming isda diyan. Pwede akong mamingwit ng iba.

She Loves Me, She Loves Me Not? HOPE naman tapos na ko mag-FLAMES

Posted in diary files, She Loves Me She Loves Me Not. by cruela de vil on December 6, 2009

sinakal ako. sinakal ako ng bongga. eto na nga yata ang sagot sa lahat ng punyetang tanong ko nung una.

F-friends

L-Lovers

A-anger

M-Marriage

E-engage

S-Sweethearts

Sabi sweethearts. Natuwa ako. O siya HOPE naman.

H-hindi

O-oo

P-Pwede

E-Ewan

Oh no. HINDI.


TUKNENENG NALANG PARA BUMABA ANG KOLESTEROL

Maligalig. minsan masaklap maging maligalig. minsan sinisisi ko bakit ako naging journalist e. yan tanong ng tanong. lahat nauungkat ko. at sa pag-uungkat ko. nalaman ko parehas sila ng sagot. punyetang di magiba naman o.

sabi nila maganda ba yung in the dark. at least wala kang alam. sorry na may inquisitive nature ang mga journalist. kusang nagtatanong ng mga di dapat tinatanong. kaya nga kami nababaril. kaya kami napapahamak. pusang siopao. oo na aakuin ko na ung maguindanao massacre.

sakit sa tyan pare. kumukulo siya. parang trip ko dumalaw sa inidoro. parang trip ko magdownload. trip ko magdeposit ng hangin. ang bigat sa kaliwang balikat. nahihirapan ako magsulat. natutulala. nababadtrip.

“kung naligo ako kahapon. sana lamang na ako.”

kaso hindi. sumablay nga talaga si kupido. hahantingin ko yan ha, sabay papanain ko siya para sya naman ang maulol. sabagay sabi nga sa facebook application na God wants you to know, wag daw masyadong atat. hayaan lang everything falls into their right places. pano mo ba masasabing right ang isang bagay na sayo ay wrong?

Pano kung right ito sa iba pero sayo over wrong. panu kung masaya yung iba pero ikaw may lamay sa laloma. pano kung yung iba nagfifiesta, nagdidisco, o nakikipag birthday pero ikaw may board. Gaya ng mga Amerikano, tama sa kanila ang mag-itim sa kasal, pero sa noypi mali yun. E paano naman yung isang naghihingalo na ipapa-mercy killing? hirap na hirap na siya pero maling ipa-euthanasia.

Pusang gala naman yang tamang yan. TAma tama tama. sabi nila ang tama ung positive. Shet. Ano ba kasi yang tama na yan. paulit ulit kong hinahalukay sa bangin yan a. hinahanap ko yan. hinuhunting. lahat ng tindahan pinagtanungan ko na.

ilang tama narin ang naencounter ko sa buhay ko. putanginang tama yan. Lunod na lunod na nga ako sa tama e. Padedetoxify na nga ako sa sobrang tama. tamang tama na tmang tama na!!

Sabagay. wala pa namang huli. wala pang ultimatum. Ang malupit na tanung. Lalaban ba ako?

hindi ko alam.

Sabi nila you can change the stars kasi wala naman constant thing sa mundo. sakit naman ng panga ko ngayon. Walang luha. Kasi di ko mahal. di naman kasi mahal ang tawag sa ganoon. crush lang. crush lang talaga. at malapit na ko mangcrush ng bungo kung di ko titigilan ang pagsulat ng blog na ito.

She Loves Me, She Loves Me Not? Ife-FLAMES Nalang Kita!

Posted in diary files, She Loves Me She Loves Me Not. by cruela de vil on December 5, 2009

Nak ng ‘sang daang kamatis naman o. Magbibiro nalang si kupido, sa maling tao pa.

Hindi ko siya mahal. Heller. Kakahiwalay lang namin ng kabenipisyo ko. Baka pwedeng ipahinga ang puso.

Oo. Kabenipisyo. Benepisyo lang naman talaga. Hindi kami. Well naging kami. Pero tapos na yun Mayo pa. Kaso nagkabalikan yata kami. Ng minsan pinagtripan kami ng barkada niya kaliga ni kupido. Punyetang di magiba naman. Yung crush ko pa, sa lahat ng barkada niya, ang mantrip na mang-alaska. O siya pagbigyan, crush ko naman siya.

Pero ngayong balik na ako sa Samahan ng Malulungkot ang Christmas, baka naman pwede ko narin akong bumaling sa iba.

Dumasal ako sa simbahan ni Tomas Aquinas.


“JC, bRo, bigyan mo ko ng apple of the eye.
Kahit di na siyota.
Basta magugustuhan ko oks na oks na!”

Dininig naman ako ni bro. Kaso sablay lang talaga.

Namimiss ko na siya. Miss na miss. Bwisit 2 days lang kaming hindi nagkakachat. O magkatext. Tangena bakit kasi grumadweyt na ako. Pwede namang sumabay. Dapat nag-fifth year na rin ako. Para everybody happy.

Ano nga bang namimiss ko sa kanya? Magkasama kami nung Martes lang ah? Kainuman ko as usual. Pero mailap siya. Hindi gaanong dumidikit. Di tulad nung una.

Ayos lang. Ayoko lumapit. Pademure. Kunwari Sanay ako sa mga lalaking madikit. “Sweet”. Punyeta.

Inaliw niya ko ng iwan ako ng kabenepisyo ko. Sabagay kasalanan niya rin naman. Kung hindi na niya pinilit noon pa, edi sana hindi ako nasasaktan nung araw na yon. Ang badtrip lang, hindi nya alam na pinagbigyan ko lang siya. Kasi Crush ko siya.At para magkaroon na rin ako ng dahilan para makita siya lagi. Makakadalaw ako sa eskwela niya ng me dahilan. Pwede ko siyang kausapin ng kaswal. Pwede ko siyang maging close.

OI hindi ako user. well siguro medyo. Minahal ko naman si kabenipisyo e. Kaso ayaw niya kong bigyan ng dahilan para mahalin siya. Hindi siya nagpapakita ng malambot na side. Puro dedma at kaastigan. Pusang gala, pare mas astig ako sayo. Wag ka ngang poser.

TOKWA’t BABOY PARA IWAS HIGH BLOOD

Hindi ko naman siya gustung-gusto nung nagkabalikan kami ni kabenepisyo. Attracted lang talaga. At kung pwede, gawing tropa rin. Successful, tropa ko na nga siya ngayon. Pero hindi ko alam na hahantong sa ganito.

Sa inuman, doon kami nagkakasundo. Yun na ang date namin. Kasama ng mga kaklase niyang maliligalig. At isang platitong mani. Malamig nung unang gabi kaming nag-inom, ng wala si kabenepisyo, ng hindi alam ni kabenepisyo. Bakit ba, wala na naman kami.

Malamig ang gabing yon. Kaya lagi siyang nakayakap. Woohoo!! Pusang GALA!!! Ang sarap ng pakiramdam. Nanigas ang buong katawan ko akay ng kanyang sturdy arms! Siyet ng tukneneng. Namumula na ako. At least me excuse ako. ALAK lang yan.

Dumalas ang inom namin afterwards. Yun lang, hindi na naulit ang pagyakap niya. Hindi ko narin hiningi. Yoko maging atat sa hug niya. Kahit nagmamakaawa na ko kay bro tuwing Linggo sa simbahan sa Pinaglabanan.

“Sige na bro last na ito. Isang malupit na yakap lang.”

Para kasing morpina ito na nagpapamanhid ng hindi lang ng pisngi ko. Pinapamanhid din niya ang buong katawan ko. Umiinit. Napapangiti ako ng wala sa oras. Hindi siya libog. Kahit ang sarap ng pakiramdam ng dibdib niya medyo mamasel-masel.Pakiramdam ko high na high ako. Hindi naman ako sinipa ng pulang kabayo. Sinabayan pa nya ng gentle fingers niya na rumorolyo sa buhok ko. Tae to, hindi ako praning wag mo kong gawing sisa. Pero hindi yon ang naiisip ko. Ang akin lang noon, tumatalon ang puso ko. PERO Hindi ko siya mahal.

Ito yata namimiss ko sa kanya. Bakit kasi ang higpit ng yakap niya?

Kabaliktaran ng sinasabi nila, pag naalala ko siya, trip ko kumain ng marami. Chocolate pa tinitira ko. Sira ang diet ko.

Kailan ba kasi ang uwi niya. Pusa Sabado na. Hay nak ng tokneneng naman o. Kailan ko ba pwedeng makita ulit ang makinang niyang ngiti na talagang tumatagos sa akin tuwing nasisilayan ko? Yung kurbado ng perpekto niyang mga labi. Yung ngipin niyang may bakal. Yung mata niyang naniningkit pag nangingiti. Yung kumikinang na kamangmangan. Hilig ko talaga sa immature.

Kailan ko kaya mahuhuli siyang nakatingin sa akin ng blangko? Yung bigla nalang lilingon sabay iiling? Tas nakangiti. San damakmak na pusang gala! Kinikilig ako pag ganoon siya. Yung titingin, iiling, ngingiti. Pusa. Nalulunod ako. Para bang may nagspray ng pulang pylox. Nakikita ko ang maliliit na tuldok na pula at tinatakpan ang aking mga mata. PAra bang pixie dust to. At ayon na nga! Sinasaksak ako ni kupido paulit ulit.

He loves me, he loves me not. Ayoko na tanungin kung trip din niya yung ibang “girl friends” niya. O kung may iba siyang gusto. O kung mahal niya yung laging inaasar sa kanya. Basta pag magkasama kami, iba yung pakiramdam. Nak ng tokwang gala naman. Tama keep up ko lang yung baklang image ko. Yung tipong dedma lang kahit sa loob ko nagsusumiklab na I LIKE YOU ang sinisigaw ng damdamin ko. I like you kasi i don’t love you, pero i miss you.. but i don’t want to be with you. Ay ewan ko. Kupido kasi. kala ko archer ka since birth! Bakit ngayon ang sablay mo.