Eye.Speak.

Saranggola ni Pippin

Posted in saranggola awards by cruela de vil on September 1, 2010

“Jopat!!!!”

Umalingawngaw ang hiyaw ni Pippin habang hila-hila siya ng Inay papalayo. May isang itim na oto ang nakaabang. Mahaba ito’t nakabukas pa ang bintana. Isang lalaking nakasalaming-pang-araw ang nakikita kong nakatitig kay Inay. Seryoso ang kanyang mukha.

Hinatak ng isang lalaking naka-asul na barong ang kapatid ko papasok ng itim na sasakyan. Halos mabalian siya ng braso sa kaladkad ng matipuno at maskuladong nilalang. Sa kanyang mga mata, kitang-kita ang kaitiman ng kanyang isipan. Isang pitik lang, alam kong kayang-kaya nyang patayin si Pippin.

Wala akong nagawa. Hila-hila rin ako ng aking Tatay-taytayan. Mahigpit ang kapit niya sa aking balikat. Hinahatak ako ni Itay na parang pangtindang karne sa palengke. Tila mga kalawit ang kanyang mga daliring bumabaon ng mariin sa aking balat. Ang mga sakong ko’y nababalutan na ng dumi ng lupa at putik sa iskwater’s area. (more…)

Tagged with:

Burol

Posted in saranggola awards by cruela de vil on August 26, 2009

Dalawang otso anyos na bata nag-uusap.

Jun-jun: Moy! Moy! Tara punta tayo sa burol! Lakas ng hangin palipad tayo   ng saranggola!

Moy: Ayaw ko nyan!  Pambata masyado. Punta nalang ako sa kompyuteran. Lalaro ako ng baril-barilan.

Jun-jun: Kaw naman diba paborito natin to tara na kasi kj mo ah!

Moy: (sabay turo sa nakababatang kapatid) sya nalang sama mo Counter ako.

Nagulat si Aling Bebang ng marinig ang anak na ipagpalit ang kanyang bespren sa kompyuter. Siguro nga lahat ng bagay ay parang ying and yang naisip niya. Tama nga naman na ang pag-usad ng teknolohiya ay isang malaking hakbang sa ‘sang katauhan. Pero hindi rin naman natin maiwawaksi ang kabilang mukha nito.

“Sige hayaan mo’t pagsasabihan ko siya Jun-Jun,” ani ng ginang. Nagpasalamat si bespren at humayo mag-isa sa burol. Malaki na nga ang ipinagbago ni Moy simula ng matuto maglaro ng Counter Strike. Kung dati isa itong maliksing bata, ngayon siya’y palaisip at minsan pa nga’y bayolente.

Minsan, pag wala ng pera at bitin pa sa laro, pinagtritripan niya ang walis at itinututok sa mga pinsan at naghihiyaw ng “terrorists win”. Muntik pa nga siya mabarangay dahil hinabol nya ang kalaro ng kutsilyo. Katwiran niya nag-ri-real life Counter Strike sila.

Sa totoo lang, pati din naman si Moy napansin ang kanyang pagbabago. Sa gabi hindi na siya makatulog kakaisip kung pano maglelevel up o paano dudurugin ang kalaban niya sa Grade 3. Hindi naman niya maiwan ang laro, kelangan imaintain ito kundi mapag-iiwanan siya. “Tska di na ko bata para magsaranggola, walang thrill yan! Di gaya ng Counter,” sabi niya sa sarili.

Mag-aalas siyete na ng umuwi si Moy. Galit na galit at walang pera. Natalo sa pusta. Nadurug ang kanyang kupunan. Counter terrorists win. Agad siyang nilapitan ni Aling Bebang at marahan nitong tinanung ang anak kung nais nitong kumain. At dahil badtrip nga siya, nagdabog nalang at sinabing “wala ‘kong gana”.

“Pag sabihan mo yang anak mo lumalaking bastos,” sabi ni Mang Berto, tatay ni Moy. Napipikon na rin pala ang ama niyang minsan lang niyang makita. Napaisip ng mataimtim si Aling Bebang.

Kinabukasan, muling nagyaya si Jun-Jun maglaro. Sinalubong siya ni Aling Bebang. Magalang niya itong binati at ngiting ngiting kinuha ang alok na tinapay.

“Bakit hindi ka nahuhumaling sa kompyuter gaya ni Moy?” ani ng ginang. “’Yoko nun tita. Masaya lang yun laruin paminsan-minsan ‘pag palagi na masakit sa ulo at nakakaubos ng pera. Masaya na po ako sa saranggola ko,” sabi ng bespren ng kanyang anak.

“Ano ka nakakarelaks kaya ang kompyuter,” sabi ni Moy na nakikinig pala sa usapan ng dalawa. “Ano nakakarelaks dun e nag-iisip ka kung paano ka papatay tsaka masakit sa mata yung nakatitig ka lang sa TV. Di gaya ng saranggola naeenjoy mo yung hangin habang pinapanood mo siyang lumipad sa langit,” tanggol ni Jun-Jun.

Inawat na ni Aling Bebang ang dalawa bago pa mag-away. Si Jun-Jun dumertso sa burol at si Moy sa kompyuteran.

Malaki ang naipusta ni Moy sa laro kaya maaga itong nakauwi. Sa daan nakita niya ang bespren tumatakbo sa burol hawak ang saranggola. Kahit anong pilit niyang pigilan ang paglingon, para bang may magnet na humahatak sa kaya upang manood. Ang ganda ng saronggola ni Jun-Jun. Iba’t ibang kulay ang ginamit niyang papel at may buntot pa na mahabang-mahaba. “Hindi ba’t ako pa nga ang tumatakbo para sa kanya?” bulong ni Moy sa sarili.

Nakita siya ni Jun-Jun. Malakas ang hangin. Iniabot niya ang sinulid kay Moy. Nag-alangan man, hinawakan niya ito’t minanipula ang saranggola. Maya-maya lang siya na ang nagpapalipad ng saranggola. Isang malaking ngiti ang nakita ni Jun-Jun sa labi ni Moy. Umaliwalas ang mukha niya na para bang bumata ulit ito. Kahit si Moy naramdaman niya ang kakaibang gaan ng loob di lang dahil sa malamig na haplos ng hangin. Relaks siya. At LIBRE pa. Siya ngang napakaganda ng luntiang langit sa kabila ng madungis na tanawin ng Payatas.

yeye

http://bernardumali.wordpress.com/

Books & Literature - Top Blogs Philippines