Eye.Speak.

Birthday

Posted in Kwentuhan lang by cruela de vil on September 13, 2011

“Problema. Yan lang naman ang tingin mo sakin diba? Isang malaking problema!”

“Ano bang pinagsasasabi mo dyan Carl?”

“Totoo naman e! Simula ng makilala mo yang si Alex, wala ka nang ibang nakitang tama kundi si Alex! Alex dito, Alex doon. Sino ba talaga syota mo saming dalawa? O parehas mo kaming kinakantok sa kama?!?!”

. . .

“Ano dyan ka magaling! Manampal! Umiyak! Palabasing kinakawawa ka! Janelle, sa 7 taon nating mag-on, tiniis kong maging martir! Pag nag-aaway tayo, hinahayaan kita maging tama kahit sobrang mali ka! Pero ngayon. . . “

(more…)

Dexter Determinado

Posted in editoryal by cruela de vil on February 2, 2011

Nakakamiss din palang magblog ng seryoso.

Pababa ako ng hagdanan nang mapuna kong balita ang agahan ng aking ama. Papasok na ako ng trabaho at nagkakalkal ng gamit sa aking itim na bag nang maulinigan kong nagtaas nanaman ang pamasahe.

Matagal-tagal na rin akong hindi nakakanood ng balita. Sa totoo lang, wala na akong balita sa Pilipinas. Maliban sa lovelife at bagong oto ni Noy-Noy, wala na akong alam kung sino na ang bagong biktima ng murder, kidnap, at rape. Wala na rin akong alam kung anong bagong pinag-aawayan sa Senado [kahit alam nating PORK BARREL lang naman ang laging ugat nyan]. Pero narinig ko naman yung tungkol sa sumabog na bus sa Buendia at sa construction workers na nahulog sa Makati. Ngunit di na katulad ng dati. Ayoko nang alamin pa ang mga detalye ng balita ngayon. Siguro dahil nakapokus ako sa pagbabanda ko ngayon. Napakaraming mas ayos isipin at intindihin kaysa sa Current Events na malimit tunog History lesson.

Kaninang umaga, isang pamilyar na balita ang narinig ko sa telebisyon. SLEX, magtataas ng singil sa toll. At syempre, inaasahan na rin to bago pa pumasok ang 2011: taxi, MRT|LRT, bus, jeep, tricycle, pedicab, kuliglig, magtataas na rin ng singil. Lahat naman ata na magtataas dahil biglang naisipan ng may-ari ng SLEX at NLEX, pati narin ng mga higanteng kumpanya ng gasulina’t langis, na magtaas bigla ng presyo sa kanilang serbisyo/produkto. Syempre, damay-damay na naman dyan ang presyo ng bilihin. Lalong-lalo na ng pagkain na araw-araw ibinabyahe ng mga truck papunta-pabalik ng probinsya. Tiyak marami nanamang Juan at Juanang magugutom. So much for Pagbabago.

(more…)

Chuck Taylor

Posted in diary files by cruela de vil on January 7, 2011

Bokalista Siya ng Banda Nila

May Boses na Mapapaibig ka

Halina Tayo’t Pumila

Nagigitara na

Kumakanta Pa Siya

Parang Si Ely Buendia

Mapagbiro ang kapalaran ika nga nila. Ngunit hindi ko akalain ganitong klaseng laro pala ang trip nya. Katuwa-tuwa lamang isipin na ako’y naging biktima niyang muli sa panahong ako’y nananabik sa pag-ibig (oo, seryoso ang blog post na ito).

Mahal ko pa rin siya noong Disyembre. Mahal ko siya, kailangan ko siya, kailangan niya ko. Pero mas kailangan niya ko. Nagkikita pa rin kami. Masaya. Kahit walang tali. Masaya…Ako. Siya, nagdudusa. Nagmamakaawa.

(more…)

Martial Law in Maguindanao? Let me think.

Posted in editoryal by cruela de vil on December 7, 2009

If you think about it, Martial Law in Maguindanao is not that bad. Really. But there’s one question left in my mind, are the responsible ones being punished enough?

Pardon my innocence, but the last thing I’ve heard was that the Ampatuan territories were raided. Uhm okey.

Personally, I don’t wanna dwell with these things. I never believed in the Phil justice system. I think its a bunch of crap. Crap. Crap. Crap. (C’mon, who thinks the Justice system here is superb?)

Implementing Martial Law is a smart move if the implementer would use it right. But what if it’s a mere sugar coat to avoid more criticisms?

Maguindanao is one of the Mindanao provinces where Arroyo won a landslide. And that winning is still a mysterious case no man has ever decoded. And the Ampatuans are that one clan that helped to achieve this success. Knowing Filipinos, our sense of utang-na-loob is rather deep-seated within our personality. We cannot live without that depth of gratitude.

What’s funny is that we always reciprocate that which is given with something of same amount or weight. If your brother gives you a laptop, you give him a laptop. If a friend gave you a concert pass in an exclusive after-death Michael Jackson Concert, you have to give her an Elvis Presley concer pass as well or something like that. Eye for an eye, tooth for a tooth. That’s a Filipino virtue.

But what’s worse, sometimes that gratitude is a never-ending gift. It even surpasses marriage–till death do us part.

“Sa tingin ko hindi aabot ng ganoon katagal (I don’t think it will extend that long),” Press Secretary Cerge Remonde answered regarding the length of Maguindanao’s solitary Martial Law in an interview with dzXL radio station.

Bottom line, as long as the culprit is served, Maguindanao Martial Law is something to give salutation to. But if it just repress the citizen rights and the authorities keep abducting the wrong people, its useless and wrong. I do hope the government would give the appropriate action. Or else it just adds another human rights violation to our OH SO SMART president. By the way, I heard she cited the wrong decree announcing the implementation. NOW THAT’S SO SMART.

News & Journalism - Top Blogs Philippines

Ako Mismo: Boboto kaba?

Posted in editoryal by cruela de vil on December 1, 2009

Hindi ako radikal na tao. Para sa akin:

(ang) pelikula’t politika’y tila’y iisa.

Matira ang matibay.

Karnabal na sistema.

–Jay contreras, Kamikazee

pasikot sikot ang mundo nilang nasa itaas, kung pwede wag nalang mangielam.

Dumating si Obama. Marami ang nahumaling sa salitang “change”. Kesyo fashion statement man yan o kung anumang “trend”, nauso sya at naghakot ng malaking boto mula sa kabataan.

Nagkaroon ng ideya ang mga Pilipino. Baka nga naman pwede pa ang pagbabago sa lupang sinilangan. Baka naman pwede pa nating ayusin ang sistemang namamatay na sa cancer, tumor, at kung ano mang-nagnanana na sakit na kumakain dito.

Namayagpag nanaman sa ere ang si bunsong si Juan. Ginigising ang kamalayan. Ang pagbabago hawak ng kinabukasan ng bayan.

Certified Botante

Bente-uno anyos na ako ng magparehistro. hindi pa huli ang lahat ika nga. Sumabay man ako sa agos, o sadyang natauhan lang ako, kayo na ang humusga. Nilagdaan ko ang application form at official voter na ako.

Hayan, nadagdagan na ang bilang ng bagong botante para sa kontrobersyal na 2010 election. Matutupad na kaya ung pangarap ng ilang pulitiko na “sapilitang” (kasi hindi naman talaga) ihinantutulad kay Obama?

Nakakatawa nga e. Ang aga-aga pa, may mga commercial na sa telebisyon. Ang aga-aga pa, may mga facebook fan page, friendster, multiply, twitter, YM, blog, pay-per-click ad na agad ang mga naghahangad sa trono. At mayroon pang madramang MTV na paulit-ulit na pinapalabas. Napaiyak ako nun ah, si marian at dingdong kasama ni mariel rodriguez at boy abunda?

Noong una, kaintri-intriga ang mga nababalitang tatakbo. dahan-dahan kasi, yan daming nadapa. Sa sobrang daming awesome na candidates, hindi na makapili.

Pero sabi nga nila, pag nagbilang ka ng maaga, nawawala ang grasya. Unti-unting nawala ang mga bet ko. Kesyo hindi nya panahon, yung nag-asawa ng wala sa oras nadaganan ng namatayan, at yung isa, kahit tatakbo pa naman siya, ay iniendorso ng isang artistang kinakainsan ko kasi medyo mayabang siya. (at least medyo lang sinabi ko ha)

Kaninang umaga, nakapagfile na yata lahat ng mga may trip tumakbo, iniannounce na ng media yung mga official presidential candidates. Napatigil ako’t napaisip, bakit wala na atang amor sakin ang bumoto?

Boboto kapaba?

Ginulantang tayo ng makademonyong pagpaslang sa media at supporters sa Maguindanao. 22 na babae ang pinaputukan sa ari. 50+ ang nakitang nakalibing. Yung iba, sabi sa otopsi, buhay pa ng tinabunan ng lupa. All for the sake of winning the goddamn governatiorial race.

Kasabay ng balitang ito ang pagkapanalo ni Efren Penaflorida bilang CNN hero of the year.

Kawawa naman si Penaflorida, dapat siya ang sikat sa araw na yun e pero dahil may mga hayok sa kapangyarihan, natabunan ang mapagkawang gawang puso niya.

Buti pa si Pacquiao nabigyan ng tamang recognition.

At sa gitna ng pilit na paglimot, saka naman ginunita si Penaflorida. Pero nak ng tukneneng naman. Ang daming namantala.

Nataon kasi na maghahain na pasahan na ng CoCs. May isang artistang nag-interview kay Penaflorida sa kanyang tanyag na palabas. Akalain mo bang tanungin sya kung “gusto mo ilakad kita sa kanila kulang pa sila?

Hindi ko nagustuhan ang tono nya. WAG dungisan ang totoong puro ang kabaitan. Porke changed image kana sa tingin mo forgotten na ung mga harrassment cases mo?

Kasabay nito, naalala kong muli ang rason kung bakit ayaw kong bumoto dati.

Madaming makabayan ang nagpapanggap na makabayan para makuha ang simpatya at suporta ng nakararami, ng makapangyarihan at ng maimpluwensya.

Sa ngayon, hindi mahihirap ang malakas. Hindi masa. Kaya sir, wag ka sa kanila makiusap.

At sa isa pang sir, wag mo narin daanin sa Rock Concert. Kahit yayain mo pa ang banda ko para tumugtog, mag-iisip parin ako kung sino iboboto ko.

May isa kong kaibigan. May koneksyon sya sa isa sa empleyado sa senado. At naikwento nya ang mga personalidad na kung magproject sa camera ay sobrang ‘humble’. Pero hindi.

Aristocrata raw at mayabang ung isa. Tae di paba obvious yun sa kapatid nya? AHAHAHA kung tumawa.

Si rakstar naman raw, isnabero. Karisma lang daw nya talaga nagdadala sa kanya pati na rin yung malupet nyang kantang Hoy Pinoy Ako.

Nakakawindang ng makita ko yung popularity sarbey. Talaga nga naman si Juan, ang EMO.

History don’t repeat itself, people repeat history.–Analisa Yanga

At the end of the day, boboto parin ako. Kasi karapatan ko yon. Kasama ng blog na ito. Hindi naman sa wala akong choice. At hindi rin ako pessimistic. May pag-asa pa at dadarating din ang pagbabago sa lupang sinilangan.

Sana lang wag madala ang mga tao kesyo iniendorso ni ganito o kasi anak siya ni ganyan o kasi nanalo nanaman sya sa ring o kasi siya ang lider ng religion ko.

WAG EMO. Wag naman magbase sa kung ano gusto ng majority. Pag-isipan naman mabuti. At kahit latak ang tingin sa mga kandidato, just pray and wish na tama yung magiging desisyon mo.

Sa iboboto ko, sana kung manalo ka man, sana sa ilalim ng iyong liderato, matigil na ang pagpaslang sa aming mga peryodista. Karapatan ng lahat na malaman ang totoo. Tulay lamang kami ng balita, at hindi kami gumagawa ng balita kundi kayo. Kung ayaw nyo magkaroon ng masamang balita ukol sa inyo, edi wag ka manamantala. tsss….

News & Journalism - Top Blogs Philippines