Eye.Speak.

Birthday

Posted in Kwentuhan lang by cruela de vil on September 13, 2011

“Problema. Yan lang naman ang tingin mo sakin diba? Isang malaking problema!”

“Ano bang pinagsasasabi mo dyan Carl?”

“Totoo naman e! Simula ng makilala mo yang si Alex, wala ka nang ibang nakitang tama kundi si Alex! Alex dito, Alex doon. Sino ba talaga syota mo saming dalawa? O parehas mo kaming kinakantok sa kama?!?!”

. . .

“Ano dyan ka magaling! Manampal! Umiyak! Palabasing kinakawawa ka! Janelle, sa 7 taon nating mag-on, tiniis kong maging martir! Pag nag-aaway tayo, hinahayaan kita maging tama kahit sobrang mali ka! Pero ngayon. . . “

(more…)

Sulat.

Posted in Kwentuhan lang by cruela de vil on September 2, 2011

Eleonora Santiago Y De Jesus

23 Calle Veritas

España, Manila

Junio 21, 1911

 

Juanito,

Kumusta? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Sana’y matiwasay naman ang mga araw mo noong nakaraan. Sana’y wala kang problema. At higit sa lahat, sana’y wala kang sakit.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung papaano ako susulat sa’yo. Hindi ko alam kung papaano kita tatawagin. Kaya naman nagpasya na lamang akong Juanito ang ipambungad kong bati sa’yo sa liham na ito.

Marahil naiinip ka na. At marahil, nais mo naring malaman kung ano ang gusto kong sabihin sa iyo at ako’y napasulat. Alam kong hindi ito ginagawa ng karamihan, lalo na ng mga kababaihan, subalit hindi ko na talaga mapigilan ang aking nararamdaman. Juanito, matagal na akong lihim na humahanga sa iyo. At ang paghanga kong ito ay umabot na sa puntong hindi na ako makatulog sa gabi hangga’t di ko nasusulyapan ang mukha mo.

Nais kong maramdaman sa aking mga palad ang iyong makinis at mamula-mulang pisngi. Gusto ko ako ang magpunas ng pawis sa iyong likuran tuwing uuwi ka galing ng bukid. Nais kong pagsilbihan ka twing agahan, tanghalian o hapunan. Gusto kong gumising sa ngiti ng iyong mga matang singkit at malunod sa tamis ng iyong maiinit na halik. Nais kong marinig na iyong sambiting ako’y minamahal mo rin. O, kay sarap siguro ng pakiramdam kung manggagaling ang salitang “Mahal kita” mula sa iyong malalambot na mga labi.

Hindi mo ba napupuna kung bakit hindi ko pa ibinibigay ang matamis kong “oo” kay Luciano sa kabila ng mariin at matyaga nyang panliligaw sa akin?

Juanito. Matagal na kitang minamahal. At gusto kong masinagan ang sinag ng haring araw habang nakapulupot ang iyong bisig sa aking baywang. Sa bawat araw, sa bawat buwan ng bawat taon..

Nagmamahal,

Eleonora

(more…)

Unan

Posted in Kwentuhan lang by cruela de vil on June 27, 2011

2:30 am. Kachat ko siya. Isa sya sa pinakaespesyal na tao na naging parte ng buhay ko. At habang tumutugtog ang isang malungkot na awitin sa radyo, naalala ko ang lahat. Nakakatuwa lang. Parang napakacasual nalang ng lahat.

 

Isa siya sa paborito ko. At isa rin ako sa pinakapaborito nya. Chicken fillet pa nga ang tawag nya sakin. Di raw ako nakakasawa. At di rin naman nakakasawa ang kanyang ngiti. Ang lambing ng kanyang mga halik. Ang init ng kanyang mga yakap. Ang haplos ng kanyang kamay at higpit ng mga daliring yumakakap sa aking palad.

 

Walong taon na pala ang nakakalipas. Walong taon na pala simula noong nakilala ko siya. Hindi ko sinasadya. Minahal ko siya agad. At agad rin namang nawala. Hindi ko siya iniyakan. Hindi niya ako iniyakan. Nagpaalam, nagkabalikan, nagpaalam.

 

2:30 am. Kachat ko siya. Habang yakap ang unang dati naming pinagsasaluhan.

Tagged with:

Unang Tikim

Posted in Kwentuhan lang by cruela de vil on June 13, 2011

Heto na ang gabing pinakahihintay ko. Matapos ang dalawampung taon, lilisanin ko na ang piling ni Maryang Palad. Goodbye Vaseline narin. Di na magagalit si utol dahil hindi na mabaho ang unan niya tuwing matutulog siya sa umaga pagkagaling niya sa trabaho niya bilang Call Center Agent. Hindi narin magagalit si ate dahil mahigit 30 minutos ako sa banyo tuwing umaga. At higit sa lahat, hindi na peke ang pagtawa ko tuwing nagkwekwentuhan sila Gado at Enteng. Sa wakas. Tangina talaga.

Lumabas na si Tessa. Hayan na sya. Kakabukas palang ng pintuan, kumikiliti na ang halimuyak ng sabong ginamit nyang paligo. Bigla tuloy bumulagta sa isip ko ang putting-puti niyang likuran. Naiimagine kong mamasa-masa pa ‘to at unti-unting dumudulas ang gamunggong patak ng tubig sa makinis nyang balat. Tangina talaga! Ang tagal naman! Saludo na ang sundalo kong kanina pa naaatat.

Tanaw ko ang salamin mula sa aking pwesto. Kitang-kita ko si Tessang nilalamas ng twalya ang mahaba at diretso nyang buhok. Maluwang ang kanyang tapis. Kaunting galaw niya lang tiyak na bubulatlat sa mukha ko ang kanyang katawan. Tangina naman! Lalong nangangalit ang aking sawa!

Sorry. Matagal ba?” Ani ni Tessa. Ngumiti lang ako at gumapang sa gilid ng kama. Dahan-dahan akong tumayo at idinampi ng malumanay ang aking mga daliri sa kanyang malambot at mabangong pisngi. “Hindi naman. Sakto lang.” Ngumiti si Tessa.

(more…)